Himas rehas ang isang 23 taong gulang na laborer matapos arestuhin ng kapulisan kahapon ng 9:00 ng umaga, Pebrero 1, sa Barangay Alibagon, Cajidiocan, Romblon.
Ang suspek na ika-7 sa Most Wanted Person ng Romblon PPO ay dinakip ng pinagsanib na mga tauhan ng Cajidiocan Municipal Police Station (lead unit), PIT-RIU4B, Romblon PIU at Romblon MARPSTA, sa bisa ng Warrant of Arrest na may petsa na Enero 30, 2026 na inisyu ng Presiding Judge ng Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Branch -106, Cajidiocan, Romblon sa kasong Statutory Rape sa ilalim ng Criminal Case No. C-181.
Walang rekomendang piyansa ang Korte para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.
Ang lalaking suspek ay isinailalim sa kustodiya ng Cajidiocan MPS para sa kaukulang dokumentasyon. (RSun Staff)







Add Comment