Deprecated: The called constructor method for WP_Widget class in EV_Widget_Entry_Views is deprecated since version 4.3.0! Use __construct() instead. in /home/romblons/public_html/wp-includes/functions.php on line 6131
Lalaki timbog sa buy-bust operation ng ilegal na droga sa Odiongan, Romblon - Romblon Sun
Home » Blog » Lalaki timbog sa buy-bust operation ng ilegal na droga sa Odiongan, Romblon

Lalaki timbog sa buy-bust operation ng ilegal na droga sa Odiongan, Romblon

ODIONGAN, Romblon – Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 ang isang 31 anyos na lalaki matapos mabilhan ng ilegal na droga sa ikinasang buy-bust operation ng kapulisan dakong 9:30 kagabi, Enero 28 sa Purok Maghali, Barangay Tuburan, Odiongan, Romblon.

Kinilala ang suspek na si alyas “Ricky”, 31 taong gulang, may kinakasama, walang trabaho, at residente ng nasabing barangay.

Sa ulat ng Odiongan Municipal Police Station (OMPS), nagsagawa ng pinagsanib na buy-bust operation ang Odiongan MPS MDEU (lead unit) at Romblon Provincial Mobile Force Company sa koordinasyon ng PDEA MIMAROPA na nagresulta sa pagkahuli sa suspek.

Ayon sa Odiongan MPS nakabili umano sa suspek ang isa nilang tauhan ng isang piraso na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang ilegal na droga kapalit ang halagang limang daang piso (P500.00).

Sa pagsiyasat sa suspek, nakuha rin sa kanya ang isa pang piraso na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang “shabu”, pera na halagang P500 na “marked money” na ginamit sa buy-bust operation, isang “pouch wallet”, at isang unit na motorsiklo.

Ang pag-imbentaryo at pagkuha ng mga ebidensya ay isinagawa sa harap ng suspek at sinaksihan ng opisyal  ng barangay at kinatawan mula sa media.

Ang suspek ay dinala at isinailalim sa kustodiya ng Odiongan MPS para sa kaukulang disposisyon.

Mahaharap ang inarestong lalaki sa kasong paglabag sa Section 5 and 11 Article II of RA 9165 (The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) na inihahandang isampa ng Odiongan MPS sa pamamagitan ng Inquest Proceeding sa Provincial Prosecutor’s Office sa Odiongan, Romblon.

Tumanggi naman ang suspek na lumagda sa dokumento ng imbentaryo at ikinaila ang paratang laban sa kanya. (RSun Staff)

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment