Nakainom na rider at angkas sumalpok sa tumatawid na kalabaw, sugatan

SAN FERNANDO, Romblon – Tumilapon sa kalsada ang nakainom na rider at angkas nito matapos na sumalpok ang sinasakyang motorsiklo sa mga tumatawid na apat na kalabaw dakong madaling araw ng Hulyo 3, 2026 sa Sitio Cantingas, Barangay Taclobo, San Fernando, Romblon.

Kinilala ang mga nadisgrasya na si @ John, 27 taong gulang, may kinakasama, loader operator, at ang angas nito na si @ Boy, 39 anyos, binata, laborer at kapwa residente ng Barangay Taclobo, San Fernando, Romblon.

Sa imbestigasyon ng San Fernando Municipal Police Station, magkasama umanong nag-inuman ang drayber at angkas nito dakong 5:00 ng hapon ng Hulyo 2, 2026 hanggang sa napagpasyahan nilang umuwi ng kanilang bahay dakong 12:30 ng madaling araw ng Hulyo 3, 2026 sakay ng motorsiklong Honda RS 125 na minamaneho ni @ John.

Habang binabaybay ng dalawa ang National Road ng Sitio Cantingas, Barangay Taclobo, San Fernando, Romblon ay hindi umano napansin ng drayber ang apat na kalabaw na tumatawid sa kalsada, kung saan ay diretso itong sumalpok sa kalabaw at dahilan ng pagtilapon ng mga ito sa kalsada.

Nagtamo ng mga sugat at gasgas sa katawan ang dalawa na agad isinugod sa San Fernando Rural Health Unit ng mga nagresponding tauhan ng San Fernando Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) at ng mga operatiba ng 3rd Platoon RPMFC.

Sa huling ulat, nasawi umano ang angkas na biktima.

Samantala, ang sangkot sa aksidente na motorsiklo ay dinala sa San Fernando MPS para sa kaukulang disposisyon. (RSun Staff)

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment