Dalawang lalaki na nagkita sa inuman, nagtagaan, naospital

ROMBLON, Romblon – Kapwa sugatan na dinala sa ospital ang dalawang lalaki na nagtagaan pagkaraan na magkita sa inuman at nagkasagutan nitong 10:25 ng gabi ng Hulyo 2, sa Sitio Sipi, Barangay Ilauran, Romblon, Romblon.

Ang biktima ay nakilala na isang 64 taong gulang na magsasaka, may asawa habang ang suspek ay kinilala na 43 taong gulang na laborer, may kinakasama at kapwa residente ng Sitio Sipi, Barangay Ilauran, Romblon, Romblon.

Base sa ulat ng Romblon Municipal Police Station (RMPS), habang ang biktima kasama ang kanyang mga kaibigan ay nag-iinuman sa labas ng kanyang bahay, ay dumating naman ang suspek na nanggalingnaman sa ibang grupo ng inuman.

Nagkaroon umano ng pagtatalo sa pagitan ng biktima at ng suspek. At dahil parehong may dalang mga gulok ay humantong ang kanilang pagtatalo sa tagaan.

Parehong nagtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang dalawa na inawat naman ng kanilang mga kamaganak.

Kapwa dinala ang dalawa sa Romblon District Hospital ng nagresponde na mga tauhan ng Romblom MPS.

Narekober naman ng mga Barangay Tanod ng Barangay Ilauran, Romblon, Romblon ang ginamit na mga armas ng dalawa at isinuko sa mga tauhan ng Romblon MPS.

Kasong Frustrated Homicide ang inihahandang isampa ng Romblon MPS sa Tanggapan ng Piskalya laban sa suspek. (RSun Staff)

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment