Himas rehas ang isang lalaki na most wanted person sa kasong Rape matapos itong madakip ng mga operatiba dakong 11:00 ng umaga ng Hulyo 13, 2026 sa Barangay Agmanic, Santa Fe, Romblon.
Nakilala ang lalaki na si @ “Chris”, 49 taong gulang, may-asawa, at residente ng Sitio Capdang, Barangay Agmanic, Santa Fe, Romblon. Ang lalaking inaresto ay pang-anim sa provincial level at no.1 sa municipal level na pinaghahanap ng batas.
Si @ Chris ay hinuli ng pinagsanib na tauhan ng Santa Fe Municipal Police Station bilang lead unit, katuwang ang Romblon PMFC, PNP Maritime Group – Odiongan at PIT Romblon, RIU 4B sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ng Huwes ng Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Branch -82, Odiogan, Romblon sa kasong Rape under Art. 266-A paragraph 1 as amended by RA 8353 sa ilalim ng Criminal Case No. 3914.
Walang rekomendang piyansa ang Korte para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.
Ang dinakip na lalaki ay kasalukuyang nasa ilalim ng kustodiya ng Santa Fe MPS para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon. (RSun Staff)






Add Comment