ODIONGAN, Romblon – Putol ang kanang paa ng babaeng senior citizen matapos na mabangga ng kasunod na motorsiklo ang sinasakyan na motorsiklo na minamaneho ng kanyang anak kaninang ala una ng hapon, Enero 21, 2026 sa National Road ng Barangay Tumingad, Odiongan, Romblon.
Kinilala ang mga biktima na si alyas “Boy”, 39 taong gulang, maintenance personnel ng SUWECO at ang angkas nitong ina na si “Maria”, 70 taong gulang, balo, at kapwa residente ng Sitio Canlumay, Barangay Tumingad, Odiongan, Romblon habang ang isang motorista ay nakilala na si alyas “Sam”, 53 taong gulang, may-asawa, collector at residente ng Barangay Budiong, Odiongan, Romblon.
Base sa imbestigasyon ng Odiongan Municipal Police Station (OMPS), sakay ng Yamaha STX 125 ang mag-inang biktima na pupunta sa Barangay Hall ng Barangay Tumingad para dumalo sa pagpupulong ng senior citizen, habang ang kasunod na motoristang si “Sam” ay sakay naman ng motorsiklong TVS Dazz na pag-aari ng kanyang asawa at papunta sa Poblacion ng bayan ng Odiongan.
Parehong binabaybay ng dalawang motorsiklo ang National Road ng Barangay Tumingad, Odiongan, Romblon at pagdating sa bandang crossing papasok sa Barangay Hall ng Barangay Tumingad ay nag signal na papaliko sa kaliwa si alyas “Boy”, ngunit hindi ito napansin ng kasunod na motorsiklo na sinasakyan ni “Sam”, at sa bilis umano ng pagpapatakbo nito ay hindi na nakaya ang ginawang pagpreno kung saan ay nasapol nito ang papalikong motorsiklo na sinasakyan ng mga biktima.
Nagtamo ng mga gasgas at galos sa katawan biktimang drayber habang ang angkas nitong ina ay malubha ang tama na nagresulta sa pagkaputol ng kanang nitong paa na sumabit pa sa motorsiklo.
Agad na dinala sa Romblon Provincial Hospital ang dalawang biktima ng nagresponde na mga tauhan ng MDRRMO Odiongan, habang ligtas naman ang drayber na umano’y nakabangga.
Ang mga sangkot sa aksidente na motorsiklo ay isinailalim sa kustodiya ng Odiongan MPS.
Kasong Reckless Imprudence resulting to Multiple Physical Injury and Damage to Property ang inihahanda ng Odiongan MPS na isasampa sa Tanggapan ng Piskalya laban sa suspek. (RSun Staff







Add Comment