3 LALAKI TIMBOG SA ILEGAL NA TUPADA SA ODIONGAN, ROMBLON

ODIONGAN, Romblon – Nahaharap sa kasong paglabag sa PD 1602 ang tatlong lalaki na inaresto sa ilegal na tupada nitong nakalipas na Linggo, sa Sitio Canlumay, Barangay Tumingad, Odiongan, Romblon.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Rey”, 36 taong gulang, may-asawa, construction worker at residente ng Sitio Sampaguita, Barangay Tumingad, Odiongan, Romblon, alyas “Orlan”, 29 anyos, may kinakasama, construction worker at residenete ng Sitio Canlumay, Barangay Tumingad, Odiongan, Romblon at alyas “Mike”,46 taong gulang, may kinakasama, drayber  at nakatira sa Barangay Panique, Odiongan, Romblon.

Sa ulat ng Odiongan Municipal Police Station (OMPS), nakatanggap umano ng tawag mula sa isang concerned citizen ang kanilang estasyon tungkol na ginaganap na ilegal na tupada sa nasabing lugar kung saan ay agad silang nagpadala ng mga tauhan katuwang ang PIU Romblon at Romblon PMFC para kumpirmahin ang sumbong.

Pagdating ng grupo ay kanilang naaktuhan ang mga suspek habang sa kasagsagan ng tupada. At noong nagpakilala ang mga pulis ay nagtakbuhan ang mga suspek sa iba’t-ibang direksyon at tangging ang tatlong suspek ang nahuli ng pulisya.

Nakumpiska sa mga suspek ang dalawang sasabungin na manok, pera na nagkahahalaga ng P700.00, mga tari, electrical tape, mga tali at iba pang asesorya.

Walang maipakitang permit ang mga suspek kaugnay sa nasabing aktibidad noong hinanapan ng mga awtoridad.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa PD 1602 na inihahandang isampa ng Odiongan MPS sa piskalya. (RSun Staff)

 

 

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment