Jeep na may kargang mga baboy sa Magdiwang, Romblon, nasunog

MAGDIWANG, Romblon – Natupok ang isang jeep na may sakay na mga baboy, pasado 1:00 ng hapon nitong nakalipas na araw sa Barangay Poblacion, Magdiwang, Romblon.

Kinilala ang may-ari na 49 taong gulang na negosyante, namimili ng baboy, may-asawa, at residente ng Barangay Agtiwa, San Fernando, Romblon.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Magdiwang Municipal Police Station, habang binabaybay ng jeep na may lulan na mga baboy at minamaneho ng may-ari, ang kalyeng P. Burgos papunta sa Barangay Dulangan, Magdiwang, Romblon para kunin pa ang ibang mga baboy nang mapansin nito na kumislap ang battery ng sasakyan.

Madaling bumaba ng jeep ang may-ari upang usisain ang makina nang bigla na lang umapoy ang sasakyan hanggang sa unti-unting lumaki ang sunog.

Agad na pinakawalan ng may-ari ang mga baboy na nagtakbuhan sa paligid.

Samantala, kumilos at tumulong ang mga tauhan ng MDRRMO at Magdiwang MPS sa pag-sugpo ng apoy gamit ang firetruck na naka himpil malapit sa lugar.

Matagumpay namang naapula ang tuluyang pagkasunog ng sasakyan.

(Romblon Sun Staff)

 

 

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment