Arestado ang isang fish vendor sa ikinasang Anti-Illegal Drug Operation ng kapulisan kaninang 6:50 ng gabi, Setyembre 7, sa Sitio Torrel Looban, Barangay Dapawan, Odiongan, Romblon.
Kinilala ng Odiongan Municipal Police Station (OMPS) ang suspek na isang 27 taong gulang na fish vendor at residente ng Barangay Rizal, Odiongan, Romblon.
Sa ulat ng Odiongan MPS, isang anti-illegal drug operation ang ikinasa ng pinagsanib na tauhan ng Odiongan MPS-MDEU, (lead unit), katuwang ang Romblon PIU at PDEA Romblon na nagresulta sa pagkaaresto sa suspek.
Isang tauhan ng Odiongan MPS ang nakabili sa suspek ng isang piraso na “heat-sealed transparent plastic sachet” na naglalaman ng pinaghihinalaan na pinatuyong dahon ng marijuana kapalit ng halagang P500.00 na mark money ng mga awtoridad.
Maliban sa nabili sa suspek, nakuha rin sa kanya ang apat (4) pa na piraso na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaan na pinatuyong dahon ng marijuana, pera na ginamit sa buy-bust, isang cellphone, motorsiklo at kaha ng sigarilyo na ginamit na lalagyan ng ilegal na droga.
Ang pag imbentaryo at pagkuha ng litrato at ebidensya ay isinagawa sa harap ng suspek na sinaksihan ng Barangay Official ng Barangay Dapawan, Odiongan, Romblon at kinatawan mula sa media.
Ang suspek ay dinala sa Odiongan MPS at isinailalim sa kustodiya ng nasabing estasyon.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 11 of Article II of RA 9165 (The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) na isasampa ng Odiongan MPS sa pamamagitan ng Inquest Proceeding sa Provincial Prosecutor’s Office, Odiongan, Romblon. (RSun Staff)






Add Comment