Lalaki timbog sa buy-bust operation ng ilegal na droga sa Odiongan, Romblon

ODIONGAN, Romblon – Arestado ang isang 40 anyos na lalaki sa ikinasang buy-bust operation ng kapulisan kontra ilegal na droga dakong 9:00 kagabi, Oktubre 17, 2025 sa harap ng bilyaran sa Barangay Ligaya, Odiongan, Romblon.

kinilala ang suspek na si alyas “Jerry”, 40 anyos, may kinakasama, at residente ng Barangay Poblacion, Calatrava, Romblon.

Sa imbestigasyon ng Odiongan Municipal Police Station (OMPS), ang operatibang MDEU ng Odiongan MPS (lead unit), katuwang ang Romblon PIU at PDEA Romblon ay nagsagawa ng Anti-Illegal Drugs Operation na nagresulta sa pagkahuli sa suspek.

Isang tauhan ng OMPS ang umaktong  poseur buyer ang nakabili sa suspek ng isang piraso na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang “shabu”.

Agad dinakip ang suspek matapos maisagawa ang transaksyon.

Sa isinagawang pagsisiyasat sa suspek, ay nakuha rin sa kanya ang pito pang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinagdududahan na shabu, pera na mahigit walong libong piso, lighter, foil, coin purse, susi, at iba pang personal na gamit.

Ang pag imbentaryo at pagkuha ng litrato at ebidensiya ay ginawa sa naturang lugar, sa harap ng suspek na sinaksihan ng opisyal ng barangay at kinatawan mula sa media.

Isinailalim sa kustodiya ng Odiongan MPS ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 and 11 of Article II of RA 9165 (The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). (Romblon Sun Staff)

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment