Senior citizen natagpuan na walang buhay na nakadapa sa palayan sa Cajidiocan, Romblon

CAJIDIOCAN, Romblon – Wala nang buhay ng matagpuan ng isang residente ang katawan ng senior citizen na nakadapa sa palayan noong 6:30 ng hapon ng Agosto 31, 2025 sa Barangay Cantagda, Cajidiocan, Romblon.

Kinilala ang biktima na isang 66 taong gulang na karpentero at residente ng naturang lugar.

Sa ulat ng Cajidiocan Municipal Police Station, habang naglalakad umano ang isang residente ng nasabing lugar ay kanyang nakita ang katawan ng lalaking biktima na nakadapa at nakalubog sa tubig ng palayan ang kalahating katawan nito habang nasa tabi naman ang kulay pula na biseklita ng biktima.

Nagduda ang residente na wala nang buhay ang biktima at agad itong humingi ng tulong sa mga opisyal ng barangay.

Isinugod ang biktima sa Sibuyan District Hospital kung saan ay dineklara itong dead on arrival (DOA) ng sumuri na manggamot sanhi ng “asphyxation secondary to drowing”.

Sa imbestigasyon ng Cajidiocan MPS, umuwi umano galing ng trabaho ang biktima dakong 4:40 ng hapon at agad rin itong umalis upang pumunta sa bahay ng kanyang kaibigan para makipag-inuman.

At noong umuwi umano ang biktima ay sakay ito ng kanyang biseklita, ngunit dahil sa nakainom ay nawalan umano ito ng balanse at aksidenteng natumba sa palayan at tuluyang nalunod.

Wala namang nakitang foul play ang awtoridad sa naturang insidente base sa isinagawang pagsusuri ng doktor. (RSun Staff)

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment