LOOC, Romblon – Hindi na nakapalag ang isang 40 taong gulang na laborer matapos masakote sa isinagawang buy-bust operation kontra ilegal na droga ng kapulisan nitong umaga ng Agosto 5, 2025 sa Barangay Limon Norte, Looc, Romblon.
Ang lalaki ay kinilala na si alyas “Herbert”, 40, binata, laborer, street level individual (SLI) at residente ng Barangay Limon Norte, Looc, Romblon.
Base sa impormasyon, isang pinagsanib na buy-bust operation ang ikinasa ng Looc Municipal Police Station bilang lead unit, katuwang ang Romblon PPDEU na nagresulta sa pagkahuli sa suspek na tinaguriang SLI na sangkot sa ilegal na droga.
Sa naturang operasyon, isang tauhan ng pulisya ang umaktong poseur buyer ang nakabili sa suspek ng tatlong (3) piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinagdududahang “shabu” na may timbang na humigit kumulang sa MOL 0.002 gram na nagkahahalaga ng P2,000.00.
Ang pag imbentaryo, pagkuha ng litrato at ebidensya ay isinagawa sa harap ng suspek na sinaksihan ng mga Barangay Opisyal at kinatawan mula sa media.
Nahaharap ang suspek sa paglabag sa RA. 9165 (The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
(RSun Staff)






Add Comment