Lalaki arestado sa buy-bust operation kontra ilegal na droga sa Odiongan, Romblon

Diretso sa kulungan ang isang lalaki matapos masakote sa ikinasang buy-bust operation laban sa ilegal na droga kaninang pasado 9:00 ng gabi, Hulyo 10, 2025 sa Barangay Tuburan, Odiongan, Romblon.

Ang suspek ay kinilala na si alyas “Carlos”, at residente ng Brgy. Libertad, Odiongan, Romblon.

Sa ulat ng Odiongan, Municipal Police Station (OMPS) isang tauhan ng Odiongan MPS na umaktong poseur buyer ang nakabili umano sa suspek ng isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang “shabu” kapalit ang halagang P500 na mark money ng mga operatiba.

Pagkatapos ng transakyon ay hinuli ang suspek.

Nakuha rin sa posisyon ng suspek ang tatlo pang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang ilegal na droga, pera na ginamit sa buy-bust, sigarilyo, lighter at sasakyang motorsiklo.

Ang pag imbentaryo, pagkuha ng mga litrato at ibedensya ay isinagawa sa harap ng suspek na sinaksihan ng opisyal ng Brgy. Tuburan at representante mula sa media.

Ang nasabing suspek ay isinailalim sa kustodiya ng Odiongan MPS.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 (The Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002). (RSun Staff)

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment