Deprecated: The called constructor method for WP_Widget class in EV_Widget_Entry_Views is deprecated since version 4.3.0! Use __construct() instead. in /home/romblons/public_html/wp-includes/functions.php on line 6131
Construction worker timbog sa buy-bust operation sa ilegal na droga sa Looc, Romblon, - Romblon Sun
Home » Blog » Construction worker timbog sa buy-bust operation sa ilegal na droga sa Looc, Romblon,

Construction worker timbog sa buy-bust operation sa ilegal na droga sa Looc, Romblon,

LOOC, Romblon – Arestado ang isang lalaki matapos na mabilhan ng ilegal na droga sa ikinasang buy-bust operation ng kapulisan dakong hapon ng Abril 7, sa Barangay Punta, Looc, Romblon.

Kinilala ang suspek na si Jovert Salmingo Fajilagot, 42 taong gulang, may kinakasama, construction worker at residente ng Barangay Balatucan, Looc, Romblon.

Ayon sa Looc Municipal Police Station (LMPS), ang pinagsanib na mga tauhan ng Romblon PPDEU (lead unit) kasama ang Looc MPS ay nagsagawa ng buy-bust operation laban sa ilegal na droga na nagresulta sa pagkahuli sa suspek.

Isang operatiba umano ang nakabili sa suspek na dalawang heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu na tinatayang may timbang na 0.02 gramo at nagkahahalaga ng dalawang libong piso (P2,000.00).

Ang pag imbentaryo ay isinagawa sa harap ng suspek, kinatawan ng media at opisyal ng barangay.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 ang nasabing lalaki na inihahandang isampa ng Looc MPS sa Provincial Prosecutor’s Office laban sa suspek.

Ang inarestong lalaki ay isinailalim sa kustodiya ng Looc MPS. (RSun Staff)

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment