ROMBLON, Romblon – Isang lalaki na may warrant of arrest sa kasong rape ang inaresto ng kapulisan dakong 3:50 ng hapon ng nakalipas na araw sa Barangay Poblacion-II, Romblon, Romblon.
Kinilala ang hinuli na si Reymart Gala Silverio, 23 anyos, binata, helper at residente ng Barangay Sawang, Romblon, Romblon.
Si Silverio ay dinakip ng pinagsanib na tauhan ng Romblon Municipal Police Station (RMPS) lead unit, Mabini Municipal Police Station at Romblon PPO sa pamumuno ni PLTCOL Allan Ruba, DPDA/PPDO at PLT Allan M. Fruelda sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu noong Enero 19, 2024 ni Hon. Maricel M. Magpantay-Ng, Acting Presiding Judge, Regional Trial Court, Branch I, Batangas City sa kasong 2 counts of Rape sa ilalim ng Criminal Case No. 24-31710 at Criminal Case No. 24-31713.
Walang rekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.
Ang inarestong lalaki ay isinailalim sa kustodiya ng Romblon MPS para sa kaukulang dokumentasyon. (RSun Staff)







Add Comment