Deprecated: The called constructor method for WP_Widget class in EV_Widget_Entry_Views is deprecated since version 4.3.0! Use __construct() instead. in /home/romblons/public_html/wp-includes/functions.php on line 6131
Empleyado ng gobyerno timbog sa buy-bust operation ng kapulisan - Romblon Sun
Home » Blog » Empleyado ng gobyerno timbog sa buy-bust operation ng kapulisan

Empleyado ng gobyerno timbog sa buy-bust operation ng kapulisan

SAN FERNANDO, Romblon – Nahaharap sa paglabag sa RA 9165 o (“Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”) ang isang casual na empleyado ng pamahalaang panlalawigan, matapos arestuhin sa isinagawang buy-bust operation ng kapulisan nitong Miyerkules ng umaga ng Nobyembre 20, 2024 sa Barangay España, San Fernando, Romblon.

Ang dinakip na suspek ay isang 49 taong gulang, casual na kawani ng pamahalaan, may-asawa at residente ng Barangay Mabini, San Fernando, Romblon.

Sa ulat ng San Fernando Municipal Police Station (SFMPS), isang pinagsanib na buy-bust operation ang isinagawa ng PDEA Romblon katuwang ang San Fernando MPS-MDEU at Romblon PMFC, 3rd Platoon na nagresulta sa pagkahuli sa nasabing suspek.

Isang pulis na nagpanggap na buyer ang nakabili sa lalaki ng isang pirasong heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang “shabu”.

Narekober sa posisyon ng suspek ang isa pang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang ilegal na droga, pera na ginamit sa nasabing buy-bust operation at motorsiklo na may side car.

Ang pag imbentaryo sa nakuhang ilegal na droga at ebidensiya sa suspek ay isinagawa sa nasabing lugar ng operasyon na sinaksihan ng opisyal ng barangay ng Barangay Espana, San Fernando, Romblon at kinatawan mula sa media.

Ang suspek ay isinailalim sa kustodiya ng San Fernando MPS para sa kaukulang disposisyon.

Kasong paglabag sa Section 5 and Section 11 of RA 9165 ang inihahandang isampa ng kapulisan sa Piskalya laban sa suspek. (RSun Staff)

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment