Home » Blog » Vendor tiklo sa buy-bust operation ng ilegal na droga sa Magdiwang, Romblon

Vendor tiklo sa buy-bust operation ng ilegal na droga sa Magdiwang, Romblon

MAGDIWANG, Romblon – Hindi na nakapalag ang isang vendor matapos itong arestuhin ng kapulisan sa ikinasang buy-bust operation laban sa ilegal na droga dakong 9:50 kaninang umaga, Setyembre 13, 2024 sa Sitio Proper, Barangay Tampayan, Magdiwang , Romblon.

Kinilala ng Magdiwang Municipal Police Station (MMPS) ang suspek na isang 50 taong gulang na vendor, may-asawa at residente ng Magdiwang, Romblon.

Ang suspek ay dinakip ng pinagsanib na tauhan ng Magdiwang MPS (lead unit) at ng PDEA-Romblon kung saan ukmaktong poseur-buyer ang isang pulis at nakabili sa suspek ng isang (1) heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang “shabu” kapalit ang halagang isang libong piso (P1,000.00).

Nakuha sa posisyon ng suspek ang isa pang sachet na may laman na pinaghihinalaang shabu, pera, cellphone at tricycle.

Ang pag-imbentaryo, pagkuha ng letrato at dokumentasyon ay ginawa sa harap ng suspek at sinaksihan ng opisyal ng barangay at kinatawan ng media.

Nahaharap ang nasabing suspek sa paglabag sa Sec 5 and II of RA 9165 (The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) RSun Staff)

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment