Home » Blog » Dating Mayor Visca ng Santa Fe, Romblon at mga kasama naghain ng kanilang COC

Dating Mayor Visca ng Santa Fe, Romblon at mga kasama naghain ng kanilang COC

SANTA FE, Romblon – Pinangunahan ni dating Mayor Asher Visca ng Santa Fe, Romblon ang pagsumite ng kanilang kandidatura sa tanggapan ng COMELEC – Santa Fe, kaninang umaga, Oktubre 7, 2024.

Muling tatakbo sa pagka alkalde si Visca katandem ang kasalukuyang Vice Mayor na si Cean Madrid Punzalan.

Kabilang sa line up ni Visca ang kasalukuyang mga Sangguniang Bayan members na sina Jocel Galido, Ringo Magcalayo, Karen Cay Montojo,  Ninoy Candelario at ang dating mga konsehal na sina Dadoy Cawaling, Gilbert Rufon, Melsie Coching at Abe Visca.

Tatakbo ang grupo ni former Mayor Visca na kasalukuyang Barangay Chairman ng Brgy. Magsaysay, Santa Fe sa ilalim ng Nationalista Party.  (TMM)

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment