LOOC, Romblon – Magkahiwalay na natagpuan ang bangkay ng dalawang lalaki sa baybayin ng dalawang barangay sa bayan ng Looc, Romblon nitong araw ng Agosto 28, 2024.
Unang natagpuan ang katawan ng kinilalang si Christopher Enciso Gajero dakong 10:00 ng umaga ng nasabing araw sa dalampasigan ng Sitio Sawang, Barangay Agojo, Looc, Romblon.
Sumunod namang nakita ang bangkay ni Marlon Gajero Belleca sa baybayin ng Sitio Santo Niño, Barangay Poblacion Looc, Romblon.
Ang natagpuan na dalawang bangkay ay positibo umanong pasahero ng lumubog na bangka na naglayag mula Boracay papunta sa isla ng Caluya, Antique noong umaga ng Agosto 26, kung saan ay lumubog ito dahil sa malalaking alon dala ng masamang panahon ng nasabing araw.
Patuloy pa ang isinasagawang search and rescue operation ng mga awtoridad sa pagtunton sa mga biktima na sakay ng lumubog bangka. (RSun Staff)








Add Comment