ROMBLON, Romblon – Dinampot ng kapulisan ang tatlong maybahay na naaktuhan na naglalaro ng tong-its sa isang bukas na bahay kubo dakong hapon ng nakalipas na araw sa Sitio Libu-o, Barangay Cajimos, Romblon, Romblon.
Ang mga hinuli ay napag-alaman na sina Ma. Noanne Berial Ancero, 36 taong gulang, may kinakasama, walang trabaho, Rose Baladjay, 23, may kinakasama, walang trabaho at Constancia Mani Magracia, 61, walang asawa, walang trabaho at pawang residente ng Sitio Libu-o, Barangay Cajimos, Romblon, Romblon.
Ayon sa Romblon Municipal Police Station (RMPS), nagsagawa umano ng anti-illegal gambling operation ang mga tauhan ng Romblon MPS (lead unit) at ang Romblon PPDEU na nagresulta sa pagkahuli sa tatlong suspek.
Naaktuhan umano ng mga awtoridad ang tatlo naglalaro ng Tong-its gamit ang baraha sa isang kubo na malapit sa basketball court sa nasabing barangay.
Narekober sa posisyon ng mga suspek ang ginamit na baraha at pera na ginamit na pangtaya na halagang P936.00.
Ang dinakip na mga suspek kasama ang nakumpiskang ebidensiya ay dinala sa Romblon MPS para sa kaukulang dokumentasyon.
Nahaharap ang tatlo sa paglabag sa PD 1602 as Amended by RA 9287 na inihahandang isampa ng Romblon MPS sa Provincial Prosecutor’s Office laban sa nasabing mga suspek. (RSun Staff)








Add Comment