Home » Blog » Motoristang nakainom sinalpok ang kasalubong na rider, mga sakay sugatan

Motoristang nakainom sinalpok ang kasalubong na rider, mga sakay sugatan

ODIONGAN, Romblon – Sugatan na dinala sa ospital ang dalawang dyaber at kanilang mga angkas matapos na aksidente mabangga ng isa ang kasalubong na motorsiklo nitong nakalipas na gabi sa National Road ng Barangay Tumingad, Odiongan, Romblon.

Sa imbestigasyon ng Odiongan Municipal Police Station, sa nasabing petsa, oras, at lugar ay sakay ng kanyang motorsiklong Honda TMX 125 si Allan Gato Soguilon, 47 taong gulang, drayber,  at angkas ang kanyang asawa na si Jennifer Vallejo Soguilon, 47, kapwa residente ng Barangay Tumingad, Odiongan, Romblon, at binabaybay ang National Road ng nasabing barangay pauwi ng kanilang bahay, habang nasa kabilang linya naman ang binata na si Den Maambong Manzo, 27 taong gulang, construction worker, at residente ng Barangay Pasilagon, San Andres, Romblon, na nakasakay sa motorsiklong Euro Keeway na pag-aari ni Toto Maambong, kasama ang angkas nito na si Mamerto Gan Bantang, 45 taong gulang, may-asawa at construction worker.

Pagsapit sa lugar ng insidente, dahil sa mabilis na pagpatakbo ng sasakyan ay nawalan umano ng kontrol sa minamanehong motorsiklo si Manzo na umano’y nakainom ng alak at umagaw ito ng linya kung saan ay nasalpok nito ang dumaan na motosiklo na sinasakyan ng mag-asawa.

Dahil sa pangyayari ay parehong tumilapon sa kngkretong kalsada ang mga sakay ng dalawang motorsiklo at nagtamo ng pinsala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Agad naman itong isinugod sa Romblon Provinncial Hospital para malapatan ng kaukulang lunas.

Ang mga sangkot na motorsiklo sa aksidente ay dinala at isinailalim sa kustodiya ng  Odiongan MPS.

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment