Home » Blog » Senior citizen natagpuang patay sa kanyang bahay sa Banton, Romblon

Senior citizen natagpuang patay sa kanyang bahay sa Banton, Romblon

BANTON, Romblon – Isa nang bangkay ng matagpuan ng kanyang mga kaibigan ang isang senior citizen sa kanilang bahay na kanila sanang yayain na mag-inuman dakong 7:00 ng hapon nitong nakalipas na araw sa Barangay Balogo, Banton, Romblon.

Ang biktima ay nakilala na si Danilo Fabregas Motol, 66 taong gulang, may-asawa at residente ng nasabing lugar.

Ayon sa ulat ng Banton Municipal Police Station, pumunta umano sa bahay ng biktima ang dalawang kaibigan nito na sina Rolando Fabalina Fabregas, 45, may-asawa at Nonilon Ferrera Fegal, 50, may-asawa, at kapwa residente ng Barangay Balogo, Banton, Romblon upang imbitahan ito na mag-inuman.

Sa pagpasok ng mga ito sa bahay ng biktima ay nagulat ang mga ito ng makita ang wala nang buhay na matanda na nakahiga sa sahig sa bandang kusina.

Napag-alaman sa mga kamag-anak ng biktima na ito ay may karamdaman na altapresyon o “highblood” bago ang nasabing insidente.

Kumbinsido naman ang pamilya na walang naganap na “foul play” sa biktima at hindi na ito isinailalim sakaukulang awtopsiya.

Ang bangkay ng biktima ay sinuri ng Municipal Health officer ng Rural Health Unit ng Banton, Romblon upang malaman ang sanhi ng pagkamatay nito. (RSun Staff)

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment