Home » Blog » Magsasaka na 11 taong wanted sa kasong Frustrated Murder, arestado

Magsasaka na 11 taong wanted sa kasong Frustrated Murder, arestado

CAJIDIOCAN, Romblon – Pagkalipas ng labing isang (11) taon na pagtatago ay nahuli rin ng kapulisan ang isang magsasaka na matagal nang pinaghahanap ng mga awtoridad nitong umaga ng Huwebes, Agosto 1, 2024 sa Barangay Lumbang Weste, Cajidiocan, Romblon.

Kinilala ang dinakip na si Nicolas Male Rabino, 49 taong gulang, may-asawa, magsasaka at residente ng Barangay Lumbang Weste, Cajidiocan, Romblon.

Si Rabino ay inaresto ng mga tauhan ng Cajidiocan Municipal Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu noong Hunyo 14, 2013 ni Hon. Ramiro R. Geronimo, Executive Judge, Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Branch 81, Romblon, Romblon  sa kasong Frustrated Murder sa ilalim ng Criminal Case No. 3133.

Ang Korte ay may rekomendasyon na halagang P200,000.00 na piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.

Ang hinuling lalaki ay dinala sa Cajidiocan MPS para sa kaukulang disposisyon. (RSun News Desk)

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment