Top 3 Most Wanted Person ng MIMAROPA timbog sa Alcantara, Romblon

LOOC, Romblon – Hindi na nakapalag ang isang lalaki na may warrant of arrest ng ito ay arestuhin ng kapulisan sa Barangay Bagsik, Alcantara, Romblon.

Ang lalaking dinakip ay nakilala na si Reynan Eustaquio De Juan, 35, binata at residente ng Barangay Balatucan, Looc, Romblon.

Si De Juan na Top 3 Most Wanted Person ng Regional level ay hinuli ng pinagsanib na tauhan ng Looc Municipal Police Station (lead unit) at Alcantara Municipal Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu noong Mayo 27, 2024 ni Hon. Judge Edwin B. Buffe, Executive Judge, Regional Trial Court, Branch – 82, Odiongan, Romblon sa kasong 6 counts of Sec. 5 (B) of RA 7610 sa ilalim ng Criminal Case No. OD-3438 hanggang OD-3443.

Ang korte ay may rekomendang piyansa na halagang P200,000.00 bawat kaso para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.

Ang inarestong lalaki ay isinailalim sa kustodiya ng Looc MPS at ihaharap sa nakasasakop na korte. (RSun Staff)

 

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment