9 na taon na wanted, sa kasong rape, tiklo sa Santa Maria, Romblon

SANTA MARIA, Romblon – Diretso sa kulungan ang isang lalaki na siyam na taong wanted dahil sa kasong rape nitong Mayo 23, 2024 sa Barangay Paroyhog, Santa Maria, Romblon.

Ang nahuling lalaki ay kinilala na si Ernesto Bucacao Galicha, 42 anyos, may-asawa, mangingisda at residente ng Sitio Ilaya, Barangay Paroyhog, Santa Maria, Romblon.

Si Galicha ay dinakip ng pinagsanib na operatiba ng Santa Maria Municipal Police Station, sa pakipagtulungan ng tracker team ng CIDG-Romblon PFU (Lead Unit) at RID MIMAROPA CIT sa bisa ng Alias Warrant of Arrest na inisyu noong Hulyo 28, 2016 ni Hon. Brigido Artemon M. Luna II, Presiding Judge, National Capital Judicial Region, Branch 196, Lungsod ng Paranaque sa kasong Rape na naka docket sa Criminal Case No. 15-1683.

Walang rekomendang piyansa ang Korte para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.

Ang inarestong lalaki ay isinailalim sa kustodiya ng CIDG-Romblon PFU at ihaharap sa nakasasakop na Korte para sa kaukulang disposisyon. (TMM)

 

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment