Lalaki tiklo sa ilegal drug buy-bust operation sa San Fernando, Romblon

SAN FERNANDO, Romblon – Arestado ang isang lalaki matapos na mabilhan ng ilegal na droga nitong 5:35 ng umaga ng Abril 24, 2024 sa Barangay Canjalon, San Fernando, Romblon.

Ang suspek ay kinilala ng San Fernando Municipal Police Station (SFMPS) na si Generoso Rojas Ramo, 59 taong gulang, may-asawa, walang trabaho at residente ng Barangay Otod, San Fernando, Romblon.

Si Ramo ay dinakip matapos na maisagawa ang buy-bust operation na ikinasa ng pinagsanib na operatiba ng San Fernando MPS, Romblon PPDEU (lead unit), Romblon PPO PIU at PPDEU.

Nakabili sa suspek ng isang plastic sachet na may laman na pinaghihinalaang shabu.

Ang pag-imbentaryo at pagsagawa ng dokumentasyon ay sinaksihan ng mga opisyal ng barangay ng naturang lugar.

Nahaharap ang suspek sa paglabag sa RA 9165 o kilala bilang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”  na isasampa ng kapulisan sa Tanggapan ng Piskalya laban sa nasabing suspek. (RSun Staff)

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment