ODIONGAN, Romblon – Isa ang nakorner sa pagsalakay ng kapulisan sa ilegal na tupada dakong 11:40 ng umaga ng Abril 23, sa Sitio Torrel, Barangay Dapawan, Odiongan, Romblon.
Ang isa sa dinampot ng pulisya ay nakilala na si Mark Joseph Antoy Gabay, 43 taong gulang, may-asawa, cook at residente ng Sitio Torrel, Barangay Dapawan, Odiongan, Romblon at Christian Arcasitas, (at large) nasa hustong gulang, walang trabaho at residente ng Barangay Anahao, Odiongan, Romblon.
Ayon sa Odiongan MPS nakatanggap umano sila ng impormasyon na merong ilegal na tupada ang kasalukuyang nangyayari sa nasabing lugar kaya’t agad na rumesponde ang kapulisan at kanilang naaktuhan ang mga suspek sa naturang ilegal na aktibidad.
Bago pa man makalapit ang mga awtoridad ay nagpulasan sa iba’t-ibang direksyon ang mga kalalakihan.
Arestado naman ang suspek na si Gabay na hindi agad nakaeskapo.
Nakuha sa posisyon ng suspek ang dalawang manok na panabong, dalawang tari, ibat-ibang kulay ng tape, mga panali, at pera na ginamit na pangtaya na nagkakahalaga ng P1,590.00.
Ang nahuling suspek ay dinala sa Odiongan MPS.
Kasong paglabag sa PD 449 as amended PD 1602 ang inihahandang isampa ng Odiongan MPS laban sa mga suspek sa tanggapan ng Provincial Prosecutor’s sa Odiongan, Romblon. (RSun Staff)






Add Comment