Senior Citizen na Top 3 Wanted Person ng bayan ng Romblon hinuli

ROMBLON, Romblon- Inaresto ng kapulisan ang isang negosyanteng senior citizen na top 3 na wanted person sa munisipyo ng Romblon, nitong umaga ng Abril 12, 2024 sa Barangay IV, Poblacion ng nasabing bayan.

Ang hinuli ay kinilala na si Manolo Muros Magracia, 76 taong gulang, may-asawa, negosyante at residente ng Romblon, Romblon.

Si Magracia ay nasa Top 3 na Most Wanted Person (Municipal level) ay dinakip ng mga tauhan ng Romblon Municipal Police Station (RMPS) sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu nitong Abril 11, 2024 ni Hon. Donna B. Pascual, Presiding Judge, Family Court, Fourth Judicial Region, Branch 19, Romblon, Romblon sa kasong Acts of Lasciviousness in relation to RA 7610 docketed under Criminal Case No. FC-249-D-24, FC-250-D-24, FC-251-D-24 at FC-252-D-24.

May rekomendang piyansa ang Korte na halagang P36,000.00 sa bawat kaso para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.

Ang inarestong senior citizen ay isinailalim sa kustodiya ng Romblon MPS. (TMM)

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment