Binata natagpuan sa ilalim ng tubig sa Mainit Falls sa Odiongan, Romblon, patay

ODIONGAN, Romblon – Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang binata na nalunod dakong 5:15 ng hapon ng Abril 8, sa Sitio Mainit, Barangay Pato-o, Odiongan, Romblon.

Ang biktima ay nakilala na si Jonito Fadriquela Tamboong, 22 anyos, binata, laborer at residente ng Barangay Pato-o, Odiongan, Romblon.

Sa imbestigasyon ng Odiongan Municipal Police Station, ang biktima kasama ang kanyang mga kaibigan ay pumunta sa Mainit Falls at nagkainuman.

Habang nakaubos na sila ng maraming boteng alak na “gin”, napansin ng isang kaibigan ng biktima na si Sandy Gajetas na wala ang biktima at hindi makita. Kaya’t hinanap nila ito.

Ginalugad nila ang paligid at ilan sa kanila ay sumisid sa waterwalls hanggang sa natunton nila ang biktima na walang malay sa ilalim ng tubig.

Agad nilang dinala ang biktima sa main road at isinakay sa Barangay Emergency Vehicle at isinugod sa Romblon Provincial Hospital ngunit dineklara itong dead on arrival (DOA) ng sumuring doktor. (TMM)

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment