ODIONGAN, Romblon – Hinuli ng mga pulis ang isang binata na may bit-bit na gulok at nag-eeskandalo sa gitna ng kalsada dakong umaga ng Abril 4, sa Sitio Baito, Barangay Poctoy, Odiongan, Romblon.
Ang suspek ay kinilala na si Ely Fadriquela Salsona, Jr. 20 anyos, binata, walang trabaho at residente ng nasabing barangay.
Sa ulat ng Odiongan Municipal Police Station, rumesponde umano sila sa natanggap na sumbong mula sa residente ng Barangay Poctoy kung saan ay mayroon umanong nageeskandalong lalaki sa naturang lugar.
Naabutan ng pulisya ang suspek na nagwawala sa gitna ng kalsada habang may dala-dalang gulok. Agad nilang nilapitan at hinuli ang suspek.
Ang suspek at ang narekober na armas ay dinala sa Odiongan MPS para sa kaukulang disposisyon.
Kasong paglabag sa BP 6 o Illegal Possession of Bladed, Pointed and Blunt Weapons ang inihahanda na isampa ng Odiongan MPS sa Opisina ng Piskalya laban sa suspek. (RSun Staff)






Add Comment