Sa ospital ang diretso ng isang lalaki at angkas nito matapos madisgrasya sa motorsiklo dahil sa pagtawid ng aso nitong umaga ng Huwebes sa Barangay Liwanag, Odiongan, Romblon.
Ayon sa Odiongan Municipal Police Station, sakay umano ng kanyang motorsiklo na Honda Click 125 ang 49 anyos na si Virny Rosales Factor, residente ng Brgy. Ligaya, Odiongan, Romblon at angkas nito na si Filca Fajutagana Fornal, 49 taong gulang, taga Brgy. Mayha, Odiongan, Romblon at binabaybay ang National Road ng Barangay Liwanag, Odiongan, Romblon.
Pagsapit sa harap ng Diviera Store ay mayroon umanong asong gala sa gitna ng kalsada kung saan ay biglang nagpreno si Factor upang hindi mahagip ang aso, ngunit nawalan ito ng kontrol sa kanyang sasakyan at aksidente silang natumba sa kalsada.
Nagtamo ng mga gasgas sa iba’t-ibang bahagi ng katawan si Factor, samantalang ang kanyang angkas na si Fornal ay nabali ang kaliwang paa.
Kapwa isinugod sa Romblon Provincial Hospital ang dalawa ng nagresponding mga tauhan ng MDRRMO Odiongan para malapatan ng kaukulang lunas.
Napag-alaman na nasa ilalim umano ng ispiritu ng alak ang drayber ng maganap ang aksidente. (TMM)






Add Comment