Motorista bumangga sa poste ng ilaw sa Alcantara, Romblon, patay

ALCANTARA, Romblon – Isang lalaking motorista ang nasawi matapos bumangga sa kongretong poste ang sinasakyan nitong motorsiklo dakong 9:00 kagabi, Marso 24, 2024 sa Barangay Poblacion, Alcantara, Romblon.

Ang biktima ay kinilala ng Alcantara Municipal Police Station na si Marceliano Castro Timbas, 52 anyos, may-asawa, laborer, at residente ng Barangay Poblacion, Alcantara, Romblon.

Ayon sa Alcantara MPS, binabaybay umano ng biktima ang National Road ng Barangay Poblacion, Alcantara, Romblon pauwi sa kanilang bahay at pagsapit sa kurbadang bahagi ng kalsada ay nawalan umano ito ng kontrol sa minamanehong motorsiklo at aksidente itong bumangga sa kongkretong poste ng ilaw sa tabi ng kalsada.

Nagtamo ng malubhang sugat sa ulo ang biktima dahil sa lakas ng pagkabangga.

Agad naman itong dinala sa Don Modesto Formilleza Memorial Hospital sa bayan ng Looc, Romblon para malapatan ng agarang lunas, ngunit dineklara itong “dead on arrival” (DOA) ng sumuring manggagamot ng naturang hospital. (AMM)

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment