Senior citizen nabundol ng motorsiklo na minamaneho ng menor de edad sa Odiongan, Romblon, naospital

ODIONGAN, Romblon – Isinugod sa ospital ang isang senior citizen na nabangga ng motorsiklo na minamaneho ng isang menor de edad dakong 8:00 ng umaga ng Marso 12, 2024 sa National Road, Barangay Dapawan, Odiongan, Romblon.

Ang biktima ay kinilala na si Mayonito Cortez Garcia, 83 taong gulang, may-asawa, laborer at residente ng Barangay Dapawan, Odiongan, Romblon habang ang suspek ay isang menor de edad na siyang may dala ng motorsiklong SYM Bunos X 125 na pag-aari ni Rudelyn Manal Perez.

Sa imbestigasyon ng Odiongan Municipal Police Station (OMPS), sakay umano ng motorsiklo ang suspek at binabaybay ang Natioanl Road ng Barangay Dapawan, Odiongan, Romblon papunta sa direksyon ng Odiongan Town proper.

Pagsapit sa harapan ng Suñer’s barber shop ay hindi umano napansin ng suspek ang matanda at aksidente nitong nahagip ang nasabing senior citizen na natumba sa kongkretong kalsada.

Nagtamo ng mga sugat sa katawan ang biktima na dinala sa Romblon Provincial Hospital para mabigyan ng atensyong medikal.

Ligtas naman ang suspek sa naturang aksidente.

Ang sangkot na motorsiklo sa aksidente ay dinala sa Odiongan MPS habang ang suspek ay ikinatiwala ng pulisya sa kanyang nanay. ( RSun Staff)

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment