Karpentero na sinaksak sa lamayan ng booking officer ng Starhose Shipping Lines binawian ng buhay

SAN AGUSTIN, Romblon – Namatay kinabukasan ng umaga sa Romblon Provincial Hospital ang karpentero na sinaksak ng booking officer ng Starhorse Shipping Lines noong 11:15 ng gabi ng Marso 9, 2024 sa Sitio Can-umiang, Barangay Cagboaya, San Agustin, Romblon.

Ang biktima na kinilala na si Freddie Vic Manzano Larqueza, 45 anyos na karpentero ay sinaksak na dati nitong nakaalitan na si Sonny Mancuyas Sualog, 48 anyos, at booking officer ng Starhorse Shipping Lines at kalugar ng biktima.

Nagkita umano ang biktimang si Largueza at ang suspek na si Sualog sa lamay ng kanilang kabarangay sa Sitio Can-umiang, Barangay Cagboaya, San Agustin, Romblon kung saan ay nagkaroon sila ng mainitang pagtatalo.

Umuwi umano ang suspek sa kanilang bahay at nang bumalik ay may dala na umanong patalim at sinaksak ang biktima na tinamaan umano sa dibdib at tiyan.

Agad namanf isinugod ang biktima sa Tablas Island District Hospital sa San Agustin, Romblon para malapatan ng kaukulang lunas at inilipat sa Romblon Provincial Hospital sa bayan ng Odiongan, Romblon. At dakong 4:30 ng umaga ng Marso 10, 2024 ay binawian ng buhay ang biktima.

Samantala, boluntaryo umanong sumuko ang suspek sa San Agustin MPS.

Ang naunang inihahandang kasong frustrated murder ng San Agustin MPS ay pinalitan ng Murder na isasampa sa Romblon Provincial Prosecutor’s Office sa pamamagitan ng inquest proceedings laban sa suspek. (RSun Staff)

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment