Senior citizen natagpuang patay sa likod ng kanyang bahay sa San Agustin, Romblon

SAN AGUSTIN, Romblon – Wala nang buhay ng matagpuan ang isang senior citizen sa likod ng kanyang bahay dakong 9:30 ng umaga ng Marso 15, 2024 sa Barangay Camantaya, San Agustin, Romblon.

Ang biktima ay nakilala na si Fernando Patnongon, Morgado, 73 taong gulang, walang asawa, at residente ng nasabing barangay.

Ayon sa ulat ng San Agustin Municipal Police Station, aksidente umanong nakita ng kapitbahay ng biktima na si Marialy Manlolo Morgado Patnonhon ang matanda na nakadapa at wala nang buhay.

Mag-isa umanong namumuhay ang biktima sa kanyang bahay. May sakit umano itong arthritis at hindi maganda ang kalusugan.

Dinala ang bangkay ng biktima sa Tablas Island District Hospital para isailalim sa post mortem na eksaminasyon.

Isang follow-up na imbestigasyon ang isinagawa ng San Agustin MPS kung mayroong naganap na foul play sa pagkamatay ng nasabing matanda. (RSun Staff)

About the author

Romblon Sun Staff

1 Comment

Click here to post a comment

  • Why Siquojor were visited by most foreign Tourist as well as local Tourists compare to Odiongan Romblon?
    Their foods,alcoholic drinks & hotel accomodations are cheap.Sana Romblon Odiongan can follow suit.