Barkong MV Salve Regina nabahura sa Romblon, Romblon

ROMBLON, Romblon – Aksidenteng nabahura ang barkong MV Salve Regina ng napadaan ito sa mababaw na bahagi ng karagatan na sakop ng Sitio Agbuyog, Barangay Capaclan, Romblon, Romblon dakong 11:45 ng gabi, Marso 10, 2024.

Ang MV Salve Regina ay pag-aari ng Starlite Ferries at may lulan na 168 pasahero, 55 na crew at 21 na mga sasakyan mula sa Roxas City at Sibuyan.

Umalis ang nasabing barko sa pantalan ng Magdiwang dakong 9:00 ng gabi papunta sa Romblon, Romblon kung saan ito ay sumadsad sa pagdaan sa mababaw na bahagi ng karagatan ng sakop ng Sitio Agbuyog< Barangay Capaclan, Rombln, Romblon.

Tinulungan naman inilikas ng mga tauhan ng Coast Guard Romblon Station katuwang ang Romblon Municipal Police Station, Romblon Provincial Government at ng mga pribadong grupo ang mga pasahero ng nasabing barko na dinala sa Romblon Public Plaza.

Wala namang naiulat na nasaktan sa naturang insidente.

Patuloy rin ang ginagawang pagsisiyasat at pagmomonitor ng Coast Guard Romblon Station sa nasabing barko kung mayroon palatandaan ng pagtagas ng langis o pagpasok ng tubig.

Kasalukuyan pa ring iniimbestigahan ng CG Romblon ang dahilan ng naturang aksidente. (RSun Staff)

 

 

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment