Magsasaka kulong matapos arestuhin sa kasong rape sa San Fernando, Romblon

SAN FERNANDO, Romblon – Diretso sa kulungan ang isang magsasaka na may warrant of arrest matapos hulihin ng kapulisan dahil sa kasong rape nitong hapon ng Marso 8, 2024 sa Barangay Poblacion, San Fernando, Romblon.

Ang lalaki ay nakilala na si Allan Ruba Recto, 37 taong gulang, may-asawa, magsasaka, at residente ng Barangay Otod, San Fernando, Romblon.

Si Recto ay dinakip ng pinagsanib na operatiba ng San Fernando Municipal Police Station (lead unit), katuwang ang Romblon CIT, RID PRO MIMAROPA, AT RIU 4B sa bisa ng Warrant of Arrest (WOA) na inisyu nitong Pebrero 19, 2024 ni Hon. Edwin B. Buffe, Acting Presiding Judge, Fourth Judicial Region, Branch 106, Cajidiocan, Romblon sa kasong Rape under Article 266-A, par 1 (D), of Revised Penal Code as amended by RA 8353, as further amended by RA 11648 sa ilalim ng Criminal Case No. SF-078.

Walang rekomendang piyansa ang Korte para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.

Ang inarestong lalaki ay isinailalim sa kustodiya ng San Fernando MPS para sa kaukulang dokumentasyon. (RSun Staff)

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment