Deprecated: The called constructor method for WP_Widget class in EV_Widget_Entry_Views is deprecated since version 4.3.0! Use __construct() instead. in /home/romblons/public_html/wp-includes/functions.php on line 6131
Mangingisda na nagtampo sa kanyang pamilya uminom ng ilegal na panglason sa isda, patay - Romblon Sun
Home » Blog » Mangingisda na nagtampo sa kanyang pamilya uminom ng ilegal na panglason sa isda, patay

Mangingisda na nagtampo sa kanyang pamilya uminom ng ilegal na panglason sa isda, patay

MAGDIWANG, Romblon – Binawian ng buhay bago pa man makarating sa ospital ang isang mangingisda na umano’y uminom ng ilegal na panglason sa isda nitong umaga ng Marso 1, 2024 sa Sitio Molobago, Barangay Agutay, Magdiwang, Romblon.

Ang biktima ay kinilala na si Gil Moral Macalipay, 50 taong gulang, may asawa, mangingisda at residente ng nasabing barangay.

Sa nakalap na imbestigasyon ng Magdiwang Municipal Police Station (MMPS), napansin umano ng mga kamag-anak ng biktima na nitong nakalipas na taon ay naging sensitibo at iritable umano ang biktima kumpara sa dati nitong ugali.

Minsan rin umanong itong nababalak na magpakamatay pag masama ang loob.

Madalas umanong magpakita ng sama ng loob ang biktima sa kanyang mga anak dahil sa hindi paggamit ng mga ito ng kanyang apelyido at sa halip ang ginagamit ay apelyido ng kanyang asawa.

Ang biktima at ang kanyang asawa ay mayroon umanong isang dosenang (12) anak at ang ginagamit na  apelyido ng lahat na anak ay ang apelyido ng kanilang ina.

Bago pa nangyari ang nasabing insidente, isa sa anak ng biktima ay nakatanggap ng parcel mula sa Lazada, at napansin  umano ng biktima na ang apelyido na nakalagay sa parsela ay hindi sa kanya at dahil dito ay nagalit umano ito kung saan ay sumama ang loob ng biktima sa kanyang anak na tumagal ng halos ilang araw.

Noong gabi ng Pebrero 29, umalis sa kanilang bahay ang biktima at hindi alam ng kanyang pamilya kung saan ito pumunta.

Ayon sa mga kamag-anak ng biktima, madalas umano itong ginagawa ng biktima pag nagtatampo sa kanyang pamilya.

At nitong Marso 1, 2024, dakong 7:00 ng umaga pumunta umano ang biktima sa bahay ng kanyang hipag na si Lita Arriola at humingi ng kape. Binigay umano ng biktima ang lalagyan nitong tumbler sa kanyang hipag na inusisa naman nito ang nasabing lalagyan at napansin nito ang naiwan pang labi nang lason mula sa ugat ng halaman na tinatawag nilang “tobli” na ginagamit umano sa ilegal na pangingisda.

Inamin umano ng biktima na uminom siya ng lason, at inihabilin pa nito sa kanyang hipag na alagaan ang kanyang mga anak habang unti-unti itong nawawalan ng ulirat.

Agad namang humingi ng saklolo sa kanilang mga kamag-anak at kapitbahay ang hipag ng biktima at dinala sa Rural Health Unit ng Magdiwang ang mangingisda at inilipat sa Sibuyan District Hospital (SDH) sakay ng ambulansiya ng bayan ng Magdiwang.

Dineklara namang dead or arrival (DOA) ng sumuring doktor ng SDH ang nasabing biktima. (RSun Staff)

 

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment