Deprecated: The called constructor method for WP_Widget class in EV_Widget_Entry_Views is deprecated since version 4.3.0! Use __construct() instead. in /home/romblons/public_html/wp-includes/functions.php on line 6131
Binata na siyam (9) na taong nagtatago sa kasong rape sa Romblon, nasakote sa Batangas City - Romblon Sun
Home » Blog » Binata na siyam (9) na taong nagtatago sa kasong rape sa Romblon, nasakote sa Batangas City

Binata na siyam (9) na taong nagtatago sa kasong rape sa Romblon, nasakote sa Batangas City

BATANGAS CITY – Arestado ang isang lalaki na siyam na taong wanted sa kasong rape sa lalawigan ng Romblon nitong umaga ng Pebrero 27, 2024 sa Barangay Talumpok West, Batangas City.

Ang lalaking hinuli ay kinilala na si Argie Agan Galang, 31 anyos, binata, helper at tubong Santa Maria, Romblon.

Si Galang ay dinakip ng pinagsanib na operatiba ng Batangas City Police Station (lead unit), Santa Maria Municipal Police Station, RID PRO MIMAROPA, Romblon CIT, Provincial Intelligence Unit (PIU) Batangas PPO, 1st Batangas Provincial Mobile Force Company at Batangas Maritime Police Station SOU3, sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu noong Hunyo 22, 2015 ni Hon. Ramiro R. Geronimo, Executive Judge, RTC Branch 81, Fourth Judicial Region, Romblon, Romblon sa kasong Rape sa paglabag sa RA 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act) sa ilalim ng Criminal Case No. 3232.

Walang rekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.

Ang inarestong suspek ay isinailalim sa kustodiya ng Batangas City Police Station para sa  dokumentasyon at ihaharap sa nakasasakop na korte para sa kaukulang disposisyon. (RSun Staff)

 

 

 

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment