Deprecated: The called constructor method for WP_Widget class in EV_Widget_Entry_Views is deprecated since version 4.3.0! Use __construct() instead. in /home/romblons/public_html/wp-includes/functions.php on line 6131
Lalaki kinarit ng galit na kabarangay sa Cajidiocan, Romblon, naospital - Romblon Sun
Home » Blog » Lalaki kinarit ng galit na kabarangay sa Cajidiocan, Romblon, naospital

Lalaki kinarit ng galit na kabarangay sa Cajidiocan, Romblon, naospital

CAJIDIOCAN, Romblon – Sugatan sa leeg ang isang lalaki matapos itong karitin ng galit na kabarangay nitong 11:00 ng umaga ng Pebrero 25, 2024 sa Sitio Cabangahan, Barangay Cantagda, Cajidiocan, Romblon.

Ang biktima ay nakilala na si Ronell Hufancia Encinas, 60 taong gulang, may-asawa, laborer at residente ng Barangay Cantagda, Cajidiocan, Romblon habang ang suspek ay kinilala na si Abel Muros Molo, 59 anyos, may-asawa, mason at kabarangay ng biktima.

Ayon sa Cajidiocan Municipal Police Station, habang ang biktima ay nasa loob umano ng kanilang tahanan at naririnig nito ang pang-iinsulto ng suspek sa kanya na ang bahay ay hindi kalayuan sa kanilang tirahan.

Pinuntahan umano ng biktima ang suspek at tinanong ito, ngunit nagalit ang suspek at bumunot ng karit saka kinarit ang biktima.

Inawat naman ng kanilang mga kapitbahay ang dalawang nag-aaway na magkabarangay.

Nagtamo ng sugat sa kanang leeg ang biktima na agad dinala sa Sibuyan District Hospital para malapatan ng kaukulang lunas.

Inaresto ng mga nagrespondeng tauhan ng Cajidiocan MPS ang suspek sa kanyang tahanan at narekober sa kanyang posisyon ang ginamit na karit na may haba na 12.5 pulgada.

Ang suspek at ang narekober na ebindensiyang armas ay dinala sa Cajidiocan MPS para sa kaukulang disposisyon. (RSun Staff)

 

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment