Deprecated: The called constructor method for WP_Widget class in EV_Widget_Entry_Views is deprecated since version 4.3.0! Use __construct() instead. in /home/romblons/public_html/wp-includes/functions.php on line 6131
Babae na German national binugbog sa kanyang tinutuluyan ng kababayang German sa Ferrol, Romblon, naospital - Romblon Sun
Home » Blog » Babae na German national binugbog sa kanyang tinutuluyan ng kababayang German sa Ferrol, Romblon, naospital

Babae na German national binugbog sa kanyang tinutuluyan ng kababayang German sa Ferrol, Romblon, naospital

FERROL, Romblon – Duguan na dinala sa Romblon Provincial Hospital ang isang babaeng senior citizen na German national matapos itong hampasin ng matigas na bagay sa ulo ng kapwa German national nitong 7:30 ng gabi kahapon, Pebrero 16, 2024 sa Barangay Hinag-oman, Ferrol, Romblon.

Kinilala ang biktima na si Susanne Dorothee Wittka, 63 anyos, German national, walang asawa, at nakatira sa Barangay Hinag-oman, Ferrol, Romblon, habang ang suspek ay napag-alaman na si Prederick Hartmann, 28 taong gulang, German national, at nakatira sa Barangay Poblacion, Ferrol, Romblon.

Sa imbestigasyon ng Ferrol Municipal Police Station, sa nasabing oras, at lugar ang biktima ay nasa loob ng kanyang tinutuluyang “flat” sa Barangay Hinag-oman, Ferrol, Romblon kung saan ay dumating naman umano ang suspek at habang nasa pintuan ay nagsabi ito na gusto nitong makausap ang biktima tungkol sa bibili ng kanyang tinitirahang flat.

Pinapasok naman umano ng biktima ang suspek. At habang nag-uusap umano ang dalawa ay bigla na lang umanong hinampas ng suspek ang biktima sa ulo gamit ang isang maso ng dalawang beses.

Nagawang maagaw ng biktima ang ginamit nitong armas at saka humingi ng saklolo.

Dumating naman ang ibang may-ari ng mga unit at tinulungan nilang madala ang biktima sa Romblon Provincial Hospital sa bayan ng Odiongan, Romblon.

Nakita rin nilang nasa loob pa ng nasabing flat ang suspek.

Samantala, inaresto ng mga nagrespondeng tauhan ng Ferrol MPS ang suspek at isinailalim ito sa kanilang kustodiya para sa kaukulang disposisyon at dokumentasyon. (RSun Staff)

 

 

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment