Deprecated: The called constructor method for WP_Widget class in EV_Widget_Entry_Views is deprecated since version 4.3.0! Use __construct() instead. in /home/romblons/public_html/wp-includes/functions.php on line 6131
Nakaparadang motorsiklo sa tabi ng kalsada nabangga ng nakainom na rider, naospital - Romblon Sun
Home » Blog » Nakaparadang motorsiklo sa tabi ng kalsada nabangga ng nakainom na rider, naospital

Nakaparadang motorsiklo sa tabi ng kalsada nabangga ng nakainom na rider, naospital

ODIONGAN, Romblon – Sugatan sa iba’t ibang parte ng katawan ang isang lalaki matapos mabangga ng minamanehong motorsiklo ang nakaparadang motorsiklo sa tabi ng daan ng National Road ng Barangay Rizal, Odiongan, Romblon nitong gabi ng Pebrero 16, 2024.

Ang lalaki ay nakilala na si Margil Galindez Hernandez, 35 taong gulang, binata, construction worker at residente ng Barangay Taboboan, Odiongan, Romblon.

Base sa ulat ng Odiongan Municipal Police Station, binabaybay umano ng nasa ilalim ng impluwensya ng alak na si Hernandez ang national road ng Barangay Rizal, Odiongan, Romblon papunta sa direksyon ng Progreso Este, Odiongan, Romblon at pagsapit sa bahaging kurbadang kalsada ay nawalan umano ng kontrol sa kanyang motorsiklo si Hernandez dala ng kanyang kalasingan at nabangga nito ang nakaparadang motorsiklo sa tabi ng kalsada na pag-aari ni Alper Dalisay Baldera ng Barangay Rizal, Odiongan, Romblon.

Sumemplang si Hernandez sa kongkretong kalsada kung saan ay nagtamo ito ng sugat at galos sa iba’t-ibang parte ng kanyang katawan.

Agad naman itong isinugod sa Romblon Provincial Hospital sa poblacion ng Odiongan, Romblon para malapatan ng kaukulang lunas.

Dinala naman sa himpilan ng Odiongan MPS ang sangkot sa aksidente ng mga motorsiklo. (RSun)

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment