Home » Blog » Tricycle tumagilid matapos mabangga ang nakaparadang tricycle, drayber at pasahero sugatan

Tricycle tumagilid matapos mabangga ang nakaparadang tricycle, drayber at pasahero sugatan

ODIONGAN, Romblon – Dinala sa ospital ang sugatang drayber at isang pasahero nito matapos na tumagilid ang sinasakyang tricycle dahil sa pagkabangga sa nakaparadang tricycle dakong 9:15 ng gabi ng Enero 12, 2024 sa Barangay Rizal, Odiongan, Romblon.

Base sa imbestigasyon ng Odiongan Municipal Police Station, sakay ng minamanehong tricycle na walang nakakabit na plaka ay mabilis umanong binabaybay ni Steven Mutas Dagatan, 21 taong gulang, binata, at residente ng Barangay Bunsoran, Ferrol, Romblon ang National Road ng Barangay Rizal, Odiongan, Romblon patungo sa direksyon ng Barangay Progreso Este, Odiongan, Romblon, kasama ang dalawang pasahero na sina Joel Fallarna Mutas, 29 anyos, walang asawa, walang trabaho at si Patrick Mortel Mutas, 25 taong gulang, binata, master baker, at parehong residente ng Barangay Bunsoran, Ferrol, Romblon.

Pagdating sa lugar ng insidente sa harap ng tindahan ng pamilya Flores ay hindi umano napansin ng nagmamanehong si Dagatan ang nakaparadang tricycle na pag-aari ni Jocelyn Oreta Flores, 41 anyos, may-asawa, STL agent at residente ng nasabing barangay kung saan dahil sa bilis ng pagpatakbo nito sa dalang tricycle ay aksidente nitong nabangga ang kaliwang bahagi ng nasabing sasakyan na paabanteng umusad habang nawalan naman ito ng kontrol sa  minamanehong tricycle na tumagild sanhi ng lakas ng pagkabangga.

Nagtamo ng mga sugat at gasgas sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang drayber at isa nitong pasahero, habang ligtas at walang natamong pinsala ang isa pang pasahero.

Agad namang isinugod sa Romblon Provincial Hospital ang dalawang sugatan ng nagrespondeng tauhan ng MDRRMO Odiongan.

Isinailalim naman sa kustodya ni Barangay Kagawad Jun Jun Villamin Refe ang tricycle ni Dagatan. (RSun Staff)

 

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment