Home » Blog » Lalaki inaresto sa kasong Attempted Homicide sa San Fernando, Romblon

Lalaki inaresto sa kasong Attempted Homicide sa San Fernando, Romblon

SAN FERNANDO, Romblon – Isang construction worker na may warrant of arrest mula sa Korte ang dinakip ng kapulisan nitong 3:00 ng hapon ng Enero 12, 2024 sa Sitio Sapangpalay, Barangay Pili, San Fernando, Romblon.

Ang hinuli ang kinilala na si Prisco Riano Rios Jr., 38 taong gulang, binata, construction worker at residente ng naturang lugar.

Si Rios ay inaresto ng mga tauhan ng San Fernando Municipal Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu noong Disyembre 1, 2023 ni Honorable Ma. Paz A. Besonaya, Presiding Judge, Municipal Circuit Trial Court, Cajidiocan-Magdiwang-San Fernando, Cajidiocan, Romblon sa kasong Attempted Homicide sa ilalim ng Criminal Case No. 5658.

Ang Korte ay may rekomendang piyansa na halagang P36,000.00 para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.

Ang dinakip na lalaki ay dinala sa San Fernando MPS para sa kaukulang dokumentasyon. (RSun Staff)

 

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment