Home » Blog » Magkapatid na lasing inaresto dahil sa panggugulo sa harap ng simbahan pagkatapos ng selebrasyon ng “Tonton” sa Romblon, Romblon

Magkapatid na lasing inaresto dahil sa panggugulo sa harap ng simbahan pagkatapos ng selebrasyon ng “Tonton” sa Romblon, Romblon

ROMBLON, Romblon – Nahaharap sa kasong Alarms and Scandal at Disobedience to a Person in Authority ang dalawang nakainom ng alak na suspek na umano’y nangugulo sa harap ng simbahan ng Katoliko pagkatapos ng misa ng “Tonton” dakong 7:35 ng gabi ng Enero 12, 2024 sa Barangay I, Poblacion, Romblon, Romblon.

Inireklamo ni PSMs Reamarsam R. Lauson, 39 anyos, PNP member, at kasalukuyang nakadestino sa Romblon Municipal Police Station (RMPS) at residente ng Barangay Capaclan, Romblon, Romblon ang mga suspek na nakilala na sina Jayvie Galicha Perez, 38 taong gulang, may kinakasama, driver at Jayson Galicha Perez, 31 anyos, may-asawa, construction worker at kapwa residente ng Barangay Bagacay, Odiongan, Romblon.

Ayon sa ulat ng Romblon MPS, pagkatapos ng selebrasyon ng misa ng “Tonton” ang mga suspek na umano’y nasa ilalim ng espiritu ng alak ay gumagawa umano ng gulo sa harap ng simbahan ng Katoliko. Inawat umano ni PSMs Lauson at ng kanyang mga kasamahang pulis na naka duty ang dalawang suspek sa pag-iingay at panggugulo ngunit hindi umano sumunod ang mga ito kung kaya’t inaresto ng mga pulis ang mga suspek.

Inihahanda ng Romblon MPS ang pagsampa ng kasong Alarms and Scandal at Disobedience to a Person in Authority sa Tanggapan ng Provincial Prosecutor sa Romblon, Romblon laban sa dalawang suspek. (RSun Staff)

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment