Home » Blog » Binata timbog sa kasong two counts of Rape sa Sta. Fe, Romblon

Binata timbog sa kasong two counts of Rape sa Sta. Fe, Romblon

SANTA FE, Romblon – Hindi na nakapalag ang isang binata ng arestuhin ng pulisya dahil sa kasong two counts of rape dakong 5:40 ng hapon, Enero 10, 2024 sa Sitio Tipulo, Barangay Poblacion, Santa Fe, Romblon.

Ang hinuli ay nakilala na si Angelo Bangalisan Fernando, 49 anyos, binata, magsasaka at nakatira sa Sitio Tipulo, Barangay Poblacion, Santa Fe, Romblon.

Si Fernando ay inaresto ng pinagsanib na tauhan ng Ferrol Municipal Police Station (lead unit), 1st Platoon Romblon Provincial Mobile Force Company at Santa Fe Municipal Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest (WOA) na inisyu nitong Enero 4, 2024 ni Honorable Edwin B. Buffe, Executive Judge ng RTC, Fourth Judicial Region, Branch 82, Odiongan, Romblon sa kasong two counts of Rape na naka docket sa ilalim ng Criminal Case No. OD-3357 at OD-3358.

Walang rekomendang piyansa ang Korte para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.

Ang dinakip na lalaki ay isinailalim sa kustodiya ng Ferrol MPS para sa kaukulang dokumentasyon. (RSun Staff)

 

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment