Home » Blog » Babaeng senior citizen nasagasaan ng motorsiklo habang tumatawid sa kalsada sa San Agustin, Romblon

Babaeng senior citizen nasagasaan ng motorsiklo habang tumatawid sa kalsada sa San Agustin, Romblon

SAN AGUSTIN, Romblon – Nahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting  in Physical Injuries ang isang motor rider matapos nitong mabundol ang tumatawid sa kalsada na babaeng senior citizen bandang 7:30 ng hapon, kahapon, Enero 11, 2024 sa National Road ng Barangay Dubduban, San Agustin, Romblon.

Ang biktima ay nakilala na si Verginia Mayo Manalon, 68 anyos, walang asawa, naghihilot, at residente ng Barangay Dubduban, San Agustin, Romblon, habang ang suspek ay kinilala na si Johndel Honrobia Manasan, 18 taong gulang, binata, estudyante, walang lisensya sa pagmamaneho at residente ng Barangay Binongaan, San Agustin, Romblon, na may kasamang angkas na isang menor de edad.

Sa nakalap na ulat ng San Agustin Municipal Police Station, tumatawid umano ang biktima sa kalsada sa nasabing lugar ng bigla na lamang sumulpot ang humaharurot na motorsiklo na minamaneho ng suspek at direkta umano nitong nasalpok ang matandang babae na nasa kalsada.

Dahil sa pangyayari ay parehong nagtamo ng sugat at galos sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktima at suspek kasama ang angkas nito na isang minor matapos silang tumilapon sa motorsiklo bunga ng pagkabangga.

Magkasabay rin na isinugod sa Tablas Island District Hospital ang tatlo para malapatan ng kaukulang lunas.

Dinala naman sa himpilan ng San Agustin MPS ang sangkot na motorsiklo sa naturang insidente.

Kasong Reckless Imprudence Resulting in Physical Injuries ang inihahandang isampa ng San  Agustin MPS sa Provincial Prosecutor’s Office laban sa suspek. (RSun Staff)

 

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment