ROMBLON, Romblon – Arestado ang tatlong babae at isang lalaki na nahuli sa akto na nagsusugal gamit ang baraha nitong 4:30 ng hapon, Enero 3, 2023 sa Sitio Tagaytay, Barangay Lonos, Romblon, Romblon.
Ang mga suspek ay kinilala ng Romblon Municipal Police Station (RMPS) na sina Salvacion Macatol Roda, may-asawa, 39 taong gulang, walang trabaho; Eshell Orais Mediado, 33 taong gulang, walang asawa, mall cashier; Loida Mediado Mingo, 27 taong gulang, walang trabaho at Vincent Paul Orais Mediado, 24 taong gulang, casual na empleyado at pawang mga residente ng Sitio Tagaytay, Barangay Lonos, Romblon, Romblon.
Ayon sa ulat ng Romblon MPS, isang pinagsanib na anti-illegal gambling operation ang isinagawa ng mga tauhan ng Romblon MPS, PPDEU at Romblon Provincial Mobile Force Company 4th Platoon kung saan ay naaktuhan ang mga suspek na nagsusugal (pusoy) gamit ang baraha sa isang bukas na kubo.
Ang pag imbentaryo sa mga nakuhang ilegal na gambling paraphernalia tulad ng kumpletong set ng baraha, at mga ipinusta na pera na halagang P1,583.00 ay sinaksihan ni Barangay Kagawad Annie F. Doblas ng naturang barangay.
Kasong paglabag sa PD 1602 ang inihahandang isampa ng Romblon MPS sa Provincial Prosecutor’s Office, Romblon, Romblon laban sa mga suspek. (RSun Staff)







Add Comment