ROMBLON, Romblon – Arestado sa ginawang buy-bust operation ng ilegal na droga ang isang kaswal na kawani ng Lokal na Pamahalaan ng bayan ng Romblon nitong 2:24 ng hapon ng Disyembre 15, 2023 sa Fist Port, Barangay -II, Poblacion, Romblon, Romblon.
Ang suspek ay kinilala na si Ebwem Manzo Silverio, a.k.a. “Wem”, 30 taong gulang, binata, casual employee ng Munisipyo ng Romblon, Romblon at nakatira sa Barangay II, Poblacion, Romblon, Romblon.
Ayon sa Romblon Municipal Police Station, nagsagawa umano ng isang buy-bust operation ng ilegal na droga laban sa suspek ang pinagsanib na mga tauhan ng RPPDEU (lead unit), Romblon MPS-MDEU, PDEA Romblon, PDEG SOU4B at 4th Platoon RPMFC.
Sa nasabing operasyon isang undercover agent na nagpanggap na buyer ang matagumpay na nakabili sa suspek ng isang piraso na heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting pulbos na pinaghihinalaang shabu.
Pagkatapos ng transaksyon ang nagpakilala ang pulis at hinuli ang suspek.
Sinaksihan nina Hon. Joel Mabasa Mayor, Sr., at Hon. Jose Doblon M. Rugas, kapwa Barangay Kagawad ng Brgy. II, Poblacion, Romblon, Romblon, kasama si Ms. Sabrina W. Malacapo, kinatawan ng NPS ang pagsagawa ng body search sa naturang suspek.
Narekober sa posisyon ng suspek ang isang piraso na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu, at iba’t-ibang dominasyon ng pera.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 5 of RA 9165 na inihahandang isampa ng Romblon MPS sa Provincial Prosecutor’s Office, Romblon, Romblon, laban sa suspek. (AMM)







Add Comment