SANTA FE, Romblon – Di na nakapalag sa mga kapulisan ang isang lalaking number 1 sa most wanted person sa bayan ng Santa Fe matapos itong hulihin dakong 9:00 ng umaga kahapon, Disyembre 15, 2023 sa Sitio Tipolo, Barangay Poblacion, Santa Fe, Romblon.
Ang inarestong lalaki ay nakilala na si Andrew Valiente Andal, 19 taong gulang, binata, construction worker at residente ng Barangay Poblacion, Santa Fe, Romblon at ranked number 1 sa top 10 most wanted person sa munisipyo ng Santa Fe, Romblon.
Si Andal ay dinakip ng pinagsanib na operatiba ng CIDG Romblon PFU (lead unit), PIU-Romblon PPO, Santa Fe Municipal Police Station, at Romblon Provincial Mobile Force Company sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu noong Nobyembre 29, 2023 ni Honorable Edwin B. Buffe, Executive Judge, Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Branch 82, Odiongan, Romblon sa kasong Statutory Rape sa ilalim ng Criminal Case No. OD-3329.
Walang rekomendang piyansa ang Korte para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.
Ang hinuling lalaki ay isinailalim sa kustodiya ng CIDG Romblon PFU para sa dokumntasyon at ihaharap sa nakasasakop ng Korte para sa kaukulang disposisyon. (RSun Staff)







Add Comment